Kumasa ang mga guests na dumalo sa Shopee Super Awards nang magtawag sa stage para sa GENTO Dance Challenge.
Ngunit hindi tipikal na dance challenge ito dahil kasama mismo na sasayaw sina Pablo at Stell ng SB19 na siyang nagpasikat sa kanta at choreo ng viral hit song.
At hindi lang basta-basta ang tumanggap ng challenge dahil ang mismong marketing head ng Shopee ang nagpasabog ng kanyang dance moves sa stage.
Hindi lamang ang mga nakapanuod ang bumilib kay madam ngunit maging ang mga miyembro mismo ng SB19 ay humanga sa galing nito.
Pati ang mga netizens ay napahanga sa Shopee executive na ito:
“Awesome Executive officer ng Shopee ang galing nya mag Gento”
“Galing naman ni Madam di obvious na fan”
“wow proud atin si madam my can she dance gento with aplomb and with none other than pablo and stell”
“Wow…galing mag GENTO dance ni Madam. Looks like she also an A’Tin”