Astiig! Gamer couple, gumamit ng Buster Sword mula sa ‘Final Fantasy’ bilang panghati ng wedding cake

Isang higanteng espada mula sa “Final Fantasy” ang ginamit ng isang gamer couple bilang tribute sa game na naging mahalagang bahagi ng kanilang relasyon.

Kahit na tila normal na kasalan ang ginanap sa pagitan ng gamer couple na sina Tona Antonio at Wolfgang Schmitz, hindi naman maipagkakaila ang kanilang hilig sa “Final Fantasy” nang ilabas na ang isang higanteng Buster Sword para hatiin ang kanilang wedding cake.

Tuwang-tuwa naman ang mga guests na makita ang signature weapon ni Cloud Strife, ngunit hindi naman sila nagtaka na magkaroon ng tribute ang mag-asawa sa kanilang paboritong game.

Ayon sa mag-asawa, naging malaking bahagi ang “Final Fantasy” sa kanilang relasyon lalo noong panahon ng pandemya.