Astig! Netizens bumilib sa ‘Mountain Teachers’ ng Sarangani sa kanilang ‘Of Course’ challenge

Nakiuso na rin sa "Of Course" TikTok craze ang mga teachers ng Sarangani.

Hindi lang sila basta-basta teachers, mga “Mountain Teachers” sila at game na game silang nakiuso sa “Of Course” trend sa TikTok.

Sa video na inupload ni Teacher Cathy Tusan Mangcal ng Kiahe Integrated School, tampok ang “normal” life nila bilang mga guro na naka-assign sa bundok na parte ng Malapatan, Sarangani.

“We are mountain teachers, of course nagasakay mi (sumasakay kami ng) habal-habal,” hirit ng co-faculty ni Teacher Cathy.

“Of course” mayroon ding gamit pangtawag sina ma’am at sir na isang smartphone at isang “smarter phone,” dagdag naman ng isa pa at tinutukoy nito ang handheld radio dahil walang signal sa bundok.

“We are mountain teachers, of course manabok mi sapa (tatawid kami ng ilog),” sabi ni Teacher Cathy.

Kasama rin sa “of course” ng mga teachers ay ang pagho-home visit nila sa mga estudyante na nakatira sa kabilang bundok naman.

Marami namang netizens ang natuwa sa kasipagan at dedikasyon ng mga mountain teachers.

“Thank you for the service sa mga taong kailangan ang education. God bless!”

“THANK YOU FOR YOUR SELFLESS SERVICE, MOUNTAIN TEACHERS! 😃💐👏”

“Saludo po sa Serbisyo nyo Para sa Bayan”