Astig! Mga alagang aso, naging inspirasyon ng isang furdad para makabili ng dream house

Nakabili ng sariling tahanan ang isang furdad matapos itong tanggihan ng mga paupahan dahil sa kanyang mga alagang aso.

Bawat tao ay may kanya-kanyang dahilan para maghangad na makabili ng sariling bahay. Bukod sa maganda itong investment, maganda rin na may sariling tirahan sa pagtanda. Pero para sa isang furdad, ang kanyang pagmamahal sa kanyang furbabies ang naging pinakamabigat na motibasyon para i-push niya na magkabahay.

Sa post ni furdad na si Jerry Connor sa grupong Dog Lovers Philippines, ibinahagi niya na maka-ilang beses siyang tinaggihan ng mga paupahan sa Cainta nang malaman na meron siyang alagang mga aso.

Kahit hirap na maghanap ng matutuluyan ay never naging option para kay Jerry na abandonahin ang kanyang mga alaga na nakasama niya sa kahit anong unos sa kanyang buhay, maging literal man itong bagyo at baha, at maging ang unos sa kanyang personal na buhay.

Ani Jerry, ang kanyang mga alaga pa ang naging dahilan kaya’t hindi niya itinuloy ang balak niyang bawiin ang sariling buhay ng iwanan siya ng kanyang ex.

Sa kanyang post, finlex ni Jerry ang kanyang sariling bahay sa Sta. Maria Bulacan kung saan magsisimula sila ng panibagong chapter ng kanyang mga alaga, na wala nang alinlangan kung mapapaalis ng landlord dahil sa pag-aalaga ng mga hayop na itinuturing niyang pamilya.

“So now, walang iwanan! Tayo pa rin hanggang sa huli magkakasama. Gaganda din bahay naten soon!” pangako niya.

https://www.facebook.com/groups/453878384701116/permalink/7525961390826078/?mibextid=Nif5oz