Asong na-trap sa kanal dahil excited maglaro, nagpasaya as netizens sa viral video

Hindi nawalan ng charm ang isang French bulldog na si Lexi nang mapunta ito sa isang kanal habang naglalaro.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kinagiliwan online ang isang asong gusto lang maglaro pero ang ending, na-trap siya sa isang kanal.

Sa isang TikTok video na ibinahagi ni Ariane Sanchez Roma (@arianesanchezroma09 ), makikitang pinagsasabihan nila ang kanilang aso na si Lexi na umatras para makalabas mula sa kanal.

Sinubukan ng aso na iangat ang bakal, ngunit nang hindi niya ito maitaas, napatitig na lamang siya sa kanyang pamilya.

Natawa na lamang ang mga netizens sa kakyutan ni Lexi.

“Mukhang d yan ang unang beses na nangyari sa kanya 😂 sany na umatras eh hahaha cutie”

“’oh atra atras atras’ na para bang sasakyan na minamanduhan magpark”

“🐶: kung yang tinatawa tawa mo tinulungan mo nako 🙄”

“Reverse walk 😂”

“makakatanggap Yan ng 80k😭😭😭😭”

Nag-alala naman ang ibang netizens para sa furbaby. Pero ayon naman sa uploader, pinagtulungan nilang iniangat ang bakal para makalabas si Lexi nang maayos at ligtas.

@arianesanchezroma09 “Laughtrip ka tlaga lexi” 😂🐶 #fyppppppppppppppppppppppp #fyp ♬ Funny – Gold-Tiger