Asong mistulang nangungutang sa tindahan kasama ang amo, nagbigay aliw sa netizens

Benta sa netizens ang video ng higanteng aso na kasama ng kanyang furdad sa pagbili sa sari-sari store
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw na aliw ang mga netizens sa video ng isang higanteng aso na kasama pa ng kanyang furdad na bumibili sa isang sari-sari store.

Sa video na pinost ni “Home Baby,” makikita ang isang aso na halos sing laki na ng isang bata at aktibong nakikibili sa tindahan.

Tumayo pa nga ito sa bintana ng tindahan na aakalain mong bata na nagtuturo ng pinapabili sa magulang.

Pabiro ding nag-caption ang nagpost ng video na tila ginagawan ng kwento ang pagtayo ng aso sa tindahan.

“POV Nangungutang na may kasamang aso…,” sabi ni Home Baby.

Game namang sinakyan ng netizens ang POV na gawa ng nagpost.

“Pautangin muna pero si doggo lang! Hahaha…”

“An laki niya parang Bata”

“Madali Naman pala kausap kahit Isang Sako pa ng bigas utangin at next year na bayaran”

“hahahaha..oo na papautangin eto nman di mabiro…^ ^V…”