Isang asong gubat ang opisyal nang naging empleyado the Department of Budget Management bilang guard dog. Katunayan, kamakailan lamang ay binigyan na siya ng opisyal na ID bilang patunay na miyembro na siya ng departamento.
Sa kanyang Facebook post, ibinida ng asong si Jabar Jamal ang kanyang opisyal na ID kabilang na ang kanyang personal na impormasyon, breed at maging ang kanyang QR code.
Katunayan, kinaiinggitan pa nga si Jabar ng mga netizens dahil hindi ganoon kabilis magkaroon ng item sa mga ahensya ng gobyerno. Pinaalalahanan nila ang asong gubat na kunin ang lahat ng kanyang mga benepisyo bilang pormal na empleyado.
“woowww may Item kana sa DBM Jabar — Congratsssss!! pa dog Treats ka naman”
“Kacute hahaha Hello Jabar. Make sure makuha mo lahat ng benefits mo dyan huh as a regular employee of the agency HAHAHA”
“Many more govt agencies follow forth!”
“Wala namang dapat ikabahala ang netizens sa asong ito dahil napakabait nito sa lahat lalo na sa mga bata.”