Aso nagpasaya sa TikTok matapos magtago at mapagkamalang dekorasyon sa Christmas tre

Mukhang feel na feel na ng isang aso ang Pasko dahil nagtago ito sa ilalim ng kanilang Christmas tree, dahilan para mahilo ang kanyang pamilya kakahanap sa kanya.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang alagang aso ang kinagiliwan sa TikTok dahil pinakaba nito ang kanyang pamilya nang magtago ito sa ilalim ng kanilang Christmas tree.

Paano ba naman, kakulay ng asong si Tuldok ang white Christmas tree kaya nagmistulang isa siya sa mga decoration doon, dahilan kaya hindi siya agad nahanap ng kanyang mga among nahalughog na ang buong bahay para sa kanya.

“Nahilo na si Ate Inday kakahanap sayo,” ani uploader sa kanyang caption.

@ladydenily

Nahilo na si Ate Inday kakahanap sayo 😭😭😭😭

♬ All I Want for Christmas – B.sound

Natawa na lang din ang mga netizens sa pagkakahawig ng aso sa mga Christmas decorations.

“hirap talaga hanapin magkakulay sila ng Christmas tree hahahahaha”

“ginawa ba namang decoration ang self 😂”

“Na parang parte sya ng Polar bear family 😂”

“Akala nya tuloy kasama sya dyan pang decoration😅 BTW soooo cute ni doggy☺”

“kakulay kasi mi di na napansin hahahah cute”