Dao Ming Si, ikaw ba ‘yan?
Humakot ng katatawanan ang isang video na inupload ni Dan Capucion, isa sa mga sought-after voice actors sa Pilipinas, kung saan tinatawag niya ang kanyang girlfriend habang naglalakad sa mall na parang nag-vovoice over pa rin sa isang teleserye.
“Ba’t nagagalet si Angelica tinatawag ko lang naman siya eeee haha,β caption ng Kapamilya digital content producer sa kanyang video.
“Sandali lang…mag-usap naman tayo! Angelica, saan ka ba pupunta? Pag-usapan natin ‘to Angelica!…” biro ni Dan sa kanyang girlfriend gamit ang kanyang sikat na boses na pang dub na marahil ay narinig din ng karamihan sa mga ibaβt ibang lead characters sa mga Asianovela.
Maging sa mga Tagalog dubbed na Hollywood movies ay ginagamit din ang boses ni Dan.
“Parang yan yung boses ni Dao Ming Si sa Meteor Garden Tagalog Dub π€£π€£π€£π€£π€£π€£π€£,” pansin ng isang netizen.
“Parang boses ni Lee Min Ho sa Boys over Flowers,” sabi naman ng isa.
“Kala ko Meteor Garden π,” saad din ng isa.
Marami naman ang pamilyar sa boses niya lalo ‘yung mga nakikinig sa MOR, ang FM station ng ABS-CBN.
“Ikaw yung voice sa Dear MOR lagi ako nakikinig sa spotify, wowππΌππΌππΌ,” sabi ng isa.
Noong Oktubre 27, 2023, nagumpisa nang mag-stream ang programa ni Dan sa Youtube na tinawag na “Love Letters” na kung saan nagbibigay siya ng ng payo sa mga problema ng mga Gen Z at young-at-heart.