Asar talo! The Rock, tiklop sa mga anak at naging model ng kanilang princess look

Pinatunayan ni Dwayne “The Rock” Johnson na walang matigas na tatay sa makulit na anak.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Walang action star action star sa pamamahay ni Dwayne “The Rock” Johnson dahil kahit pa maskulado at kinatatakutan ng marami sa wrestling arena, pagdating sa kanyang mga prinsesa, tiklop!

Sa isang nakakatuwang clip, ipinakita ni Dwayne ang normal na araw sa kanilang bahay kung saan kahit kailan siya pagkatuwaaan ng kanyang anak na babae ay hindi siya makakatanggi.

Sa pagkakataong ito, sinabi niyang papunta na talaga siya sa gym nang humiling ang kanyang anak na lagyan siya ng eyeshadow. Wala ding epekto ang kanyang pag-request na kontian lang at gawing astig ang itsura dahil ang ending puro pink at sparkles ang peg ng kanyang look.

Marami namang tatay ang naka-relate pero humanga kay Dwayne na handa niyang sirain ang kanyang macho persona para masaya ang kanyang mga anak.

“I love the breaking of the lipstick on your head. 😂😂😂😂😂 💄”

“Oh buddy it’s never quick with professional makeup artists, they gotta make you look the boootifulllllest”

“Great moment. The best present is your presence!❤️”

“You look beautiful @‌therock 🤣🤣🤣”