Artistahin yarn! Baby Sarina Hilario pinatanda ng sampung taon sa edit, lalong gumanda

Photo edit kay Sarina Hilario, nagpatunay na pang artista talaga ang beauty nya

Humanga ang mga fans ng cute na cute na si Sarina Hilario nang mapili itong gawan ng edit ng sikat na artist na si lowcostedit at patandain ito ng sampung taon.

Ginamit ni lowcostedit ang kanyang galing sa pag-eedit ng mga larawan para i-adjust and features ni Baby Sarina at gawin itong dalagita. Inadjust din niya ang hugis ng mukha, buhok at nilagyan ng kulay ang mata at mga pisngi ng bata upang patandain ito ng bahagya.

Agree naman ang mga netizens na magiging magandang dalagita pa din ang anak ni “Sampol King” Jhong Hilario paglaki at malaki ang potensiyal nito sa pag-aartista.

“For sure mag aartista c baby in a future ,she’s very talented like her Dad”

“Ganda ni Sarina paglaki”

“So pretty pala pag nag ten kana bebe nmin”