‘Artista na ako guys!’: Grace Tanfelix special guest sa show ng kanyang anak na si Miguel Tanfelix

Todo suporta ang fans ng cooking vlogger na si Grace Tanfelix sa kanyang cameo role sa “Mga Batang Riles” kung saan naka-eksena niya ang kanyang anak na si Miguel.

Kung kadalasan ay si Kapuso star Miguel Tanfelix ang madalas na ume-ekstra sa cooking vlog ng kanyang mommy na si Grace Tanfelix, ngayon ay baligtad na.

Si Mommy Grace kasi ay naimbitahan ng GMA na maging special guest sa “Mga Batang Riles” na pinagbibidahan ng kanyang anak.

“Kinakabahan ako kasi kaeksena ko anak ko,” sabi ni Mommy Grace. “Kinakabahan ako kasi first time ko e. Artista na ako guys.”

Happy naman ang mga followers ni Mommy Grace na umabot na din sa milyon. Sumikat si Grace Tanfelix sa kanyang mga cooking videos at nagpabilib sa kanyang tantiyahang luto na tatapusin niya sa kanyang signature phrase na “Okay na to.”

“Buti hindi nasabi ni Direk na ‘ok na to’ jk”

“Sabihin mo mommy grace kay kidlat na sabihin kay mutya na ‘okay na to’ hahaha”

“Ang galing nman artista ang Mommy ni Miguel Tanfelix na si Madam Grace”