Artist, gumamit ng AI para mag-restore ng mga larawan ng bayaning Pinoy

Nabigyang buhay ang ilang lumang larawan ng mga bayaning Pilipino gamit ang makabagong teknolohiya.

Sa isang post ng artist na si Pocholo Monta Pineda, binigyang buhay ng makabagong teknolohiya ang ilang lumang larawan ng mga pambansang bayani ng Pilipinas.

Gamit ang AI, na-restore ni Pocholo ang mga larawan nina Tandang Sora, Jose Rizal, Gregoria de Jesus, Josefa Llanes Escoda, Emilio Jacinto, Emilio Aguinaldo, Francisco Balagtas, Gregorio del Pilar at iba pa gamit lamang ang kanilang mga lumang litrato.

Bukod sa mga bayani, binigyang buhay din ni Pocholo ang mga larawan ng Bataan Death March para maipakita sa mga kabataan ang itsura nito noong kapanahunan ng WWII.

@pocholomontapined Reviving History with AI: The Bataan Death March Visualized #philippines #worldwar #history #kasaysayan #bataan #deathmarch #mariveles #tiktokph #tiktokphilippines #fyp @gmanews @abscbn @tvpatrol @news5everywhere @24oras ♬ original sound – Pocholo Monta Pineda