Arat na! Museong hugis durian, malapit nang buksan sa Davao

Inaasahang bubuksan na sa darating na Oktubre ang naiibang museo na hugis durian sa Davao.

Kung may balak kayong pumunta ng Davao sa mga susunod na buwan, maaari niyo nang isali sa inyong travel checklist ang National Museum of the Philippines na inspired sa durian fruit.

Ayon sa mga ulat, target na buksan ang museum bandang Oktubre ng taong ito kasabay ng Museums and Galleries Month. Magiging libre din ang entrance nito sa publiko kaya naman sulit puntahan dahil Instagrammable na nga ito, educational pa.

Sa isang naunang panayam sa Mindanao Times, sinabi ni Museo Dabawenyo head Jason Arceo na tapos na ang pagsasagawa ng istruktura ng building na nagkakahalaga ng Php300 million. Pinaplano na lang kung ano ang lalamanin ng limang palapag na istrukturang ito.

Noong Nobyembre 2023, nai-turnover na sa local na pamahalaan ang gusali.