Isang Arabong fan nina TJ Monterde at KZ Tandingan ang nagpa-impress sa pag-awit ng “Palagi” sa concert ng dalawa sa Coca-Cola Arena sa Dubai.
Ang content creator na si Emaratino Traveler, isang half-Filipino at half-Arabian, ay hindi napigilan ang sarili na mag fanboy sa front row ng concert nina TJ at KZ, lalo na ng inawit na nila ang kanilang pangmalakasang duet.
Enjoy din siya na makisabay sa mga Pilipino at foreign fans na sabayang umawit ng kanta.
“I was sitting front row when Palagi started playing—couldn’t help but stand up and sing along with the crowd! A spontaneous selfie video, a sea of voices, and pure emotions shared with TJ & KZTN live on stage! ,” aniya.
Humanga naman ang mga followers ng Arabo dahil sa kanyang appreciation sa Pinoy music.