Walang dapat ipag-alala ang magiging jowa ng mga anak ni Ariel Rivera at Gelli de Belen pagdating sa kanila, dahil ayon sa mag-asawa, hindi nila bet na tumutol sa magiging relasyon ng kanilang mga anak.
Sa kanilang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi nina Gelli at Ariel na hindi nila nakikita na may madudulot na kabutihan ang pakikialam sa lovelife ng kanilang mga anak na sina Joaquin at Julio.
Ani Gelli, kung siya pa ang sasawsaw sa relasyon ng kanyang mga anak ay baka lalo lang itong magpagulo imbes na magpasaya sa mag-jowa.
“Paano nila maaalagaan at mapapasaya ang anak ko kung ako mismo ang nagpapagulo sa sitwasyon nila?” ani Gelli.
Tiwala naman si Ariel sa kakayahan ng mga anak na mag desisyon para sa sarili nila pagdating sa mga babaeng kanilang mamahalin. Mayroon lang din siyang paala sa mga anak sa pagpili ng kanilang magiging girlfriend.
“Sinasabi ko sa kanila, ‘When you have a girlfriend, we’ll always accept your girlfriends.. Does this person make me a better person or no. Cause if they don’t make you a better person, maybe it’s not worth it,” sey naman ni Ariel.