Aplikante lang ang atake! Furmom, pinagawan ng formal 2×2 pic ang kanyang alaga para sa pet pass

Kung cuteness ang basehan, tanggap na agad-agad ang furbaby na si Kuni sa kanyang pag a-applyan dahil sa kanyang formal with collar 2x2 pic.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Napa-LOL ang mga netizen sa kinalabasan ng isang 2×2 ID picture na pinagawa ng isang fur parent para sa kanyang alaga dahil nagmistulang mag a-apply ito sa trabaho.

Sa isang shoutout ng OP na si @‌karenderya sa threads, ibinahagi niya na dinala niya ang kanyang alagang pusa na si Kuni sa Picture City sa Ali Mall para mapakunan ng larawan dahil kailangan daw ito para sa application ng pet pass sa mall.

Matapos ang kanyang studio session ay nag-request daw si OP na kung pwede itong lagyan ng collar at jacket sa editing tulad ng ibang mga aplikante.

G naman kaagad ang staff at tinanong lang ang furmom kung panlalaki ba o pambabae ang gagamiting damit.

Ang resulta? Cuteness overload kaya todo pasalamat siya sa pangungunsinti ng staff sa kanyang kalokohan.