Apakahusay! Self-taught Pinoy designer, patok sa paggawa ng transformation gowns hango sa Disney movies

Bongga ang negosyo ng US-based Pinoy designer Nephi Garcia lalo na’t isinuot ni Katy Perry ang isa sa kanyang mga gown sa American Idol.

Kung ang mga Disney princesses ay kailangan ng magic para matupad ang kanilang mga pangarap, sa totoong buhay naman ang Pinoy designer na si Designer Daddy ang gumagawa ng paraan para maisakatuparan ang mga fashion transformations na tulad nito.


Ibinahagi ng US-based designer na si Nephi Garcia ang isa sa kanyang mga obra na isinuot ni Katy Perry sa American Idol para sa Disney Night kung saan kinopya niya ang mala-basahang damit ni Cinderella bago ito naging bonggang ball gown.

(Facebook/Thedesignerdaddy)

Sa kanyang bio, inilarawan ni Nephi ang sarili bilang self-taught designer. Una niyang ginagawan ng mga Disney princess gowns ang kanyang mga anak at ito ay pumukaw sa pansin ng Disney kaya’t na feature siya sa isang episode ng Disney Style.

Mula noon ay dumami na din ang naging kliyente ni Nephi ng kanyang mga transformation gowns na talaga namang gustong-gusto, mapabata o matanda.