Apakahusay! Bata, gumamit ng talong para mag disenyo ng sapatos

May potensiyal maging future fashion designer ang isang batang nakaisip gumamit ng talong para gumawa ng sapatos.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi matatawaran ang creativity ng mga bata. Kaya naman sa murang edad ay marami na silang naiisip na paraan para maisakatuparan ang kanilang mga ideya.

Tulad na lamang ng isang batang fineature ng Food Bible kung saan makikitang matiyaga niyang kinakayod ang laman ng dalawang hilaw na talong.

Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay mapapansing ipinorma pala niya ang mga ito para magsilbing doll shoes. Hindi din niya kinalimutan maglagay ng strap para may disenyo pa din ito.

Maraming humanga sa bagets dahil sa kanyang naisip. Sinabi din ng mga netizen na may potensiyal ito para maging future fashion designer dahil sa kanyang konsepto.

Apakagaling!