Apakahirap mag withdraw! Facial recognition feature ng isang ATM nagdulot ng katatawanan

Minsan ay mahirap talagang makuha ang sarili mong pera.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa sobrang higpit ng mga security features ng ilang banko para masiguro ang kapakanan ng kanilang mga kliyente, minsan ay napapakamot-ulo na lang ang mga ito at literal na kailangan pa nilang mag acrobatic para mabuksan ang sarili nilang account.

Natawa ang mga netizen sa isang kuha ng OP na si Rey-an Moreno kung saan isang kliyente ng bangko ang mag wi-withdraw sana ngunit hindi mailabas ang kanyang pera sa ATM gamit ang biometric scan at PIN.

Dahil may pagka-cute si ate, kinailangan pa nitong tumuntong sa riles upang maabot ang angulo para sa facial recognition ng ATM.

“Yung bago ka makapag withdraw do the challenge muna,” hirit ng isang netizen.

“We find ways to make it hard for you,” biro ng isa pa.

“Dun lang tayo sa safe,” pangungulit ng isa pa.

“Grabe ka po sakin,” sabat ng isa na mukhang nakaka-relate sa pagka-cute ni ate.