‘Apaka aegyo! SB19, tanggal ang angas kay Alodia

Todo pa cute ang mga miyembro ng SB19 na sinabayan si Alodia sa pagsayaw ng “Gwiyomi.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit kilala ang SB19 sa mga maaangas at astig na choreo ay hindi napigilan ng MAHALIMA na magpa cute sa harap ng cosplay queen na si Alodia.

Sa isang post ng fanpage na SB19 babies makikita sina Pablo, Stell, Josh, Ken at Justin na sumasayaw kasama ang dating nag trending the kantang “Gwiyomi” kasama si Alodia.

Tawang-tawa naman ang mga A’TIN dahil tiklop ang kaangasan ng mga boys kay Alodia. Napansin naman ng mga ilang fan na si Pablo ay naglagay pa din ng konting astig flavor sa kanyang steps.

“di kaya ni Pablo magpa-cute ng walang halong hiphop at angas eh”

“Ang cute nga MAHALIMA SB19 pero si pinuno PABLO nilagyan parin ng konting angas”

“Ang cute nila”