Antukin yarn? Guard dog, nanatiling tulog habang ninanakawan ang kanyang tindahan

Kebs lang ang isang asong nagpapahinga habang ninanakawan ang binabantayan niyang jewelry store at nakahanap pa siya ng mga kakampi sa internet.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi malaman ng mga netizens kung matatawa sila o maiiyak sa sinapit ng isang jewelry store kung saan nilooban ito ng magnanakaw habang tirik na tirik ang araw. Ang siste, naturingan pa silang may tagapagbantay na aso pero nanatili itong tulong habang hino-holdap ng mga magnanakaw ang tindahan ng kanyang dapat bantayan.

Sa isang footage na inupload ng Metro, kitang-kita na nanatiling nakahilata at nagpapahinga ang asong si Lucky habang may isang armadong lalaki na tumutok at nanakot sa kanyang amo.

Kahit na binubulungan na siya ng kanyang bossing ay deadma lang ang asong relaxed na relaxed. Mabuti na lamang at hindi totoong holdapan ang nangyari kundi isang alarm training day upang masubok ang magiging reaksiyon ni Lucky kung tunay mang may magtangka sa kanilang tindahan.

Marami namang netizen ang naaliw at kumampi pa kay Lucky dahil ang lahi niyang Siberian Husky ay hindi naman talaga inaalagaan para maging guard dog. Anila mas nararapat na Doberman, Rottweiler o Pitbull ang kinuha ng may-ari ng tindahan kung bantay na aso ang nais niya.

O diba? Mas may kumampi pa sa cute at tamad na asong ito?