Anne Curtis, abswelto muna sa pag-absent sa ‘It’s Showtime’: Naki-bonding kay Park Bo Gum, Kim So Hyun at Lee Sang Yi

Pinatawad naman ng mga fans si Anne Curtis sa pag-absent sa “It’s Showtime” dahil si Park Bo Gum naman talaga ang dahilan.

Lubos na pinagpalang muli si Anne Curtis dahil muli na naman niyang nakahalubilo si Park Bo Gum sa isang event para sa kanilang K-drama na “Good Boy” na ipinapalabas sa Amazon Prime.

But wait, there’s more, hindi lamang si Bo Gum ang naka-jamming ni Anne this time kundi maging ang mga co-stars nito na sina Kim So Hyun, at Lee Sang Yi.

Kaya’t kahit absent si Anne sa “It’s Showtime,” napatawad naman siya ng madlang pipol dahil bigatin naman ang kanyang nakasamang K-drama stars.

Bida ngayon sa nasabing serye sina Park Bo Gum, Kim So Hyun at Lee Sang Yi, na gumaganap bilang Olympic medalists na naging mga alagad ng batas.

Siyempre, hindi mawawala ang aksyon, comedy at kilig na carryng carry naman ni Bo Gum matapos niyang paiyakin ang mga fans sa “When Life Gives You Tangerines.”

“Katabi mo si Bogmmmmyyyyyy 😭😭😭❤️❤️”

“Grabe naman ang isang Anne Curtis! 🔥”

“Sige na okay lang kahit absent ka sa showtime.”