Angkas steps up: 24/7 emergency response mas pinabilis pa!

Mas pinabilis at pinalawak pa ng Angkas motorcycle-hailing app ang kanilang pag-responde sa emergency cases sa tatlong siyudad sa Pilipinas.

In case of emergency, who are you gonna call? Pwede na matawagan ang Angkas sa oras ng anumang sakuna dahil ayon sa motorcycle-hailing app, mas pinahusay pa nila ang kanilang emergency response team (ERT) para sa kanilang mga riders at pasahero.

Ayon kay Marlon Abilong, ang ERT lead ng Angkas, pwede nang rumesponde ang kanilang emergency medical technicians (EMTs) 24/7 sa Metro Manila, Cagayan de Oro, at Cebu City sa loob lamang ng 15 hanggang 30 minutes.

“We’ve broadened our training, acquired new equipment, and refined our skills to better handle potential emergencies,” ayon kay Abilong sa ulat ng GMA News Online.

“The program collaborates with numerous accessible hospitals and ambulance networks, and includes certified EMTs skilled in performing onsite responses that include real-time triaging and interventions,” dagdag pa niya.

Kapag nakatanggap na ng tawag ang kanilang Angkas’ ERT services sa pamamagitan ng kanilang emergency hotline (Globe: 0917 3264 527 o Smart: 0918 9264 527), may support team na magbibigay ng lokasyon para i-dispatch ang EMT.

“We began this journey back in 2016… We’ve broadened our training, acquired new equipment, and refined our skills to better handle potential emergencies,” ani Abilong.

Sa kasalukuyan, may “99.997%” na safety record ang Angkas. Balak din ng Angkas na palawakin pa ang coverage ng programang ito sa iba pang lokasyon sa bansa.