Angkas rider na nagpa-raffle ng munting premyo, nagpa-good vibes sa TikTok

Masayang namahagi ng munting pamasko ang isang Angkas rider na may pa-raffle para sa kanyang mga nasasakay na pasahero.

Kung sino pa ang lumalaban ng patas sa buhay, sila pa madalas ang mapagbigay sa kapwa, at pinatunayan ito ng isang inspiring Angkas driver na may pa-surprise sa kanyang mga pasahero.

Ibinahagi ni Janine Maristela (@maristelajanine ) sa kanyang TikTok video ang kanyang munting Angkas moment kung saan may pa-raffle ang rider na na-book niya.

Noong una ay ikinuwento niya ang pangamba niya kasi parang mas mabigat siya sa rider pero napalitan ito ng saya dahil sa effort nito.

Sa loob kasi ng dala niyang plastic container, may mga nakataob na papel kung saan nakasulat sa likod ang prize na mabubunot. Ang nabunot ng uploader ay Mentos at Rebisco Crackers. Kinuha ng rider ang premyo at iniabot sa kanya.

@maristelajanine Grabe. Sometimes God sends the tiniest moments to lift you up when you need it most. 🥹🤍 salamat kuya, Angkas! 💕 #angkas #rider #fyp ♬ dreams, books, power and walls – JANNABI

Mahigit kalahating-milyon na ang engagements ng video. Na-touch naman ang mga netizens sa kanyang thoughtfulness at generosity.

“Grabi. Siguro excited si kuya mag ride dahil may paganyan siya. 🥺”

“the fact na nirepack niya pa yang mga yan 🥺”

“KUNG SINO PA WALA SILA PA TLGA YONG MAY PUSO TO SHARE WHAT THEY HAVE. Kaiyak”

“grabe nakakaiyak, baka umiyak ako bigla kapag ako nandiyan”

“May we all experience small acts of kindness this Christmas season 🥰”