Angeline Quinto, nag fangirl ulit! Napasigaw kay Secretary Kim sa araw ng kasal

Angeline Quinto nag fangirl naman kay Secretary Kim sa araw ng kanyang kasal.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi porket araw ng kasal ni Angeline Quinto ay tigil-pasada ito sa pagfa-fangirl. Katunayan, umatake na naman ang sigaw queen na si Angge sa mismong big day niya nang umakyat sa entablado si Asia’s Songbird Regine Velesquez upang mag-alay ng awitin sa bagong kasal.

This time naman, ang napagbuntunan naman ni Angge ay ang kanyang “What’s Wrong with Secretary Kim” co-star na si Kim Chiu na tinutukso ng cast sa kanyang ka loveteam na si Paulo Avelino.

Kahit naging mas mahina ang pagsigaw ni Angge ay nadinig pa din ng mga guests na sumigaw naman ito ng “Sec. Kim!!!” nang bumirit na si Ate Reg sa chorus ng “Araw Gabi.”

Napatingin din si Regine kay Angge dahil ang kanyang asawang si Ogie Alcasid ay tila isa ding shipper ng KimPau at katrabaho ni Kim sa “It’s Showtime.”

Siyempre, tuwang-tuwa din naman ang mga KimPau fans dahil sa suporta ng kanilang mga katrabaho kina Kim at Paulo.

“hahaha its funny yong si angeline ang kinasal pero doon nkatingin ky kim si regine..at kinikilig si angge ky kim.” “Sec Kim .. kinilig” “Yung kanta daw para Kay kim”