Sanay na ang mga celebrity sa pagkakaroon ng personal trainer, chef at assistant. Pero iba ang trip ni Angeline Quinto pagdating sa personal chef dahil siya lang talaga ang kayang ipagluto nito.
Sa kanyang Instagram post, flinex ng singer ang kanyang ultimate kitchen buddy, ang kanyang panganay na si Sylvio.
“My own Sir Chef! Taga lagay, taga halo, taga timpla, and most importantly taga tikim,” ang proud na caption ni Angeline. “I’m never alone in the kitchen anymore. Good job, Kuya Sylvio!” dagdag pa nito.
At syempre, hindi kompleto ang pagiging chef kugn walang battle scars—napaso pa nga si Sylvio habang tumutulong sa pagluluto.
“Last photo, napaso pa!” hirit ni Angeline.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa bonding moment ng mag-ina:
“Last photo, napaso pero na-cute-an ako, ano ba yan haha”
“Wow parang Ang sarap Ng niluluto Ng mag Mommy ha. So cutie ni Sylvio.”
“hehe napaso ang bata.. wawa nmn yan. good job for helping mommy”
“Little chef! @loveangelinequinto cutie”