Angelica Panganiban, opisyal nang nag-sign off bilang patronesa ng mga brokenhearted

Tapos na ang sad girl era ni Angelica Panganiban nang matagpuan niya ang kanyang forever sa asawang si Gregg Homan.

Talagang natagpuan na ni Angelica Panganiban ang kanyang forever sa kanyang asawang si Gregg Homan dahil pormal na niyang binitiwan ang kanyang korona bilang patron saint ng mga brokenhearted.

Sa kanyang pinakahuling Instagram post, nagpasalamat ang multi-awarded actress sa kanyang asawa sa nagwakas ng kanyang sad girl era.

Nagpasalamat din siya at nagpaalam sa kanyang mga fans na nagtuturing sa kanyang patronesa ng mga sawi sa pag-ibig dahil sa kanyang sariling track record sa pakikipagrelasyon at sandamakmak na hugot films tungkol sa pag-ibig at pag-mu-move on.

Kahit na opisyal na niyang niyakap ang kanyang happy wife era, naging masaya naman ang mga kaibigan at fans ni Angge sa kanyang bagong tagpong kaligayahan bilang maybahay at ina at sinabing deserve naman talaga niya ang happy ending.