Ang tunay na oppa! Vlogger ipinakita kung gaano kasikat sa Pilipinas ang mga basurero

Nagkakagulo talaga ang lahat pag narinig nang dumating ang trak ng basura.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Iba talaga ang dating ng ating friendly neighborhood basureros dahil kahit saan mang lugar sa Pilipinas, talagang nagkakagulo ang mga tao pag narinig na ang pamilyar na tunog ng trak ng basura.

Kahit siguro mga K-pop idols ay hindi madadaig ang appeal ng mga mamang basurero dahil kahit sino sa bahay—bata, matanda, may ipin o wala—ay napapatayo at napapatakbo para mailabas ang mga basura upang makuha nila kuya and his crew.

Kaya naman ng isang video, relate ang lahat dahil sa pagpapakita na kahit pa lola ay nakikipag-bayanihan sa mga apo sa pagbitbit ng basurang ilang araw nang naipon sa bahay upang ma-pick up na nila manong.

“Akala ko sa household lang namin 😂 universal pala”

“TOTOO TO HAHAHAH”

“si nanayyyy ang cute HAHAHAHAHAH 😭”

“Hahahahah Ang cute ni lola”