Ang totoo niyang ugali! Tagahanga ni Dara ibinahagi kung paano ito makitungo sa fans

Isang fan ni Dara ang nag share kung paano makitungo si Dara sa kanyang fans sa personal.

Kahit na malayo na ang narating bilang global K-pop star, wala pa ring ipinagbago ang Pambansang Krung Krung na si Sandara Park na napaka-down to earth pa din hanggang ngayon.

Ang TikTok user na si klasik.tita ay nagbahagi ng kanyang karanasan nang makita niya si Sandara kasama ang kanyang 2NE1 co-member na si Minzy sa isang mall sa Makati para sa DARA Tour.

Ani Klasik Tita, walang kaarte-arte si Sandara at mabilis nagpaunlak sa kanyang request na magpa-picture. Ito pa nga daw ang kusang lumapit sa kanya para sa kanyang request.

Hindi lamang yun. Pati ang entourage ni Sandara ay pawang mababait din dahil imbes na ipagtabuyan ang mga fans ay napaka-accommodating sa mga tagahanga.

Ani TikToker, hindi siya nagsisisi sa pagsuporta kay Dara mula sa kanyang career sa Pinas hanggang sa sumikat na ito sa Korea. Hindi din daw siya nagtataka kung bakit mahal na mahal ng mga Pinoy si Dara.