Ang tataba ng utak! Charo Santos nagpa-title contest sa mga fans para sa eksenang cheater na asawa

Mala-horror kontrabida ang datingan ni Madam Charo Santos sa isang post pero napatawa siya ng mga suggestion na title ng kanyang mga fans.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sinubukan ni Charo Santos ang galing ng kanyang mg tagahanga sa paggawa ng title nang mag-post ito ng isang acting scene kung saan pinapalayas niya ang kanyang cheater na asawa.

Dahil nga sanay na sanay ang kanyang fans sa panonood ng “Maalalaala Mo Kaya,” ang kanilang mga entries ay panay one word title ng mga items na matatagpuan sa eksena.

“Rimowa….Rimowaren (Pronouced like the ilocano word “rimuaren”, meaning “lumabas na”)”

“The title is HATING GABI!”

“‘Maleta’ with a twist. Twisted body of yours.”

Bet naman ni Madam Charo ang mga suggestions ng kanyang mga fans.