‘Ang pag-ibig hindi hinahanap, kusang dumarating’: Ryan Bang magsisimula na ang forever sa jowang si Paola

Tinanggap na ni Paola Huyong ang surprise proposal ni Ryan Bang para magpakasal.

Kung mayroon mang matututunan sa love life ni “It’s Showtime” host Ryan Bang, ito marahil ay ang pagiging pasensyoso sa paghihintay dumating ang tamang pag-ibig.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga fans na maraming beses ding nakaranas ng pagkabigo sa pag-ibig ang Koreanong komedyante at host ng noontime show. Nakaranas itong mabasted mula sa panliligaw sa mga kapwa celebrity, at may mga panahon ding hindi siya pinalad sa kanyang pakikipag relasyon.

Pero dahil masigasig at hindi nawalan ng faith sa pag-ibig, natagpuan niya din ang kanyang The One sa katauhan ng kasintahang si Paola Huyong. Kaya naman kamakailan lamang ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong mag-propose dito.

Matapos mag “yes” ni Paola sa proposal ni Ryan, biglang nag-trending ang sinabi nito sa isang “EXpecially For You” contestant ilang buwan na ang nakalipas.

“Ang pag ibig, hindi yan hinahanap kusa yan dumarating,” aniya.

Naging emosyonal din ang ilang malapit kay Ryan dahil sa magandang balita.

Tama nga naman. Kaya sa mga single, wag ma pressure. May chance pa ring dumating ang The One. Konting pasensya lang.