Ang mahiwagang pintuan! Doraemon, bumida sa drone show sa HongKong

Ang drone show na nagtatampok kay Doraemon ay isa lamang sa mga aabangan sa Hong Kong nitong Hulyo.

Bumida ang sikat na cartoon character na si Doraemon sa Victoria Harbor kung saan ilang mga klasikong cartoons ang itinampok.

Libo-libong locals at turista ang nagtipon upang panoorin ang drone show na humuhudyat sa pagbubukas ng Doraemon-themed exhibit na magsisimula sa July.

Itatampok ang free exhibit ng sikat na karakter sa Avenue of the Stars sa Tsim Tsa Tsui ngunit magkakaroon din ng paid exhibit sa K11 Musea sa 6th floor

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen:

“Im 36 and I’m still watching doreamon ..”

“My favourite cartoon of all times”

“So cuteeeeee”