Ang kyot nyo! Sandara Park at Jung Il Woo, todo bonding sa Bohol para sa Dara Tour

Dinala ni Dara ang kanyang longtime friend na si Jung Il Woo sa Bohol para sa first time nitong pag bisita sa Pilipinas.

Matagal nang magkaibigan si Jung Il Woo at Sandara Park mula pa ng magkasama sila sa period drama na “The Return of Iljimae” noong 2009.

Sa katunayan, sa isang interview sa Korean oppa ay inamin niya na si Sandara Park lamang ang nag-iisa niyang kaibigang babae.

Sa paglipas ng panahon ay nanatiling magkaibigan ang dalawa, at todo suporta sila sa kanya-kanyang proyekto kung may pagkakataon. Tulad na lamang ng pagdalo nila sa kanilang unang sabak sa stage play.

Nagkasama na din dati ang dalawa nang ipagluto ni Il Woo ng pagkaing Pinoy si Dara sa kanyang vlog at nag guest din si Dara sa vlog ni Il Woo para naman i-style ang outfit ng Korean actor.

Ngayon, si Jung Il Woo naman ang magiging pangatlong guest ni Dara para sa “Dara Tour” vlog niya at excited na excited ang binata para sa kanyang unang biyahe papunta sa Pilipinas kung saan ipapasyal siya ni Dara sa Bohol.

Katunayan, ibinida na nila sa kani-kanilang social media platforms ang kanilang lakad kung saan bakas na bakas ang kanilang saya sa gagawing bonding. May ilang hindi maitago ang kilig sa dalawa pero meron ding sobrang happy sa higit dekadang friendship nila.