Itigil ang botohan at may nanalo na!
Habang nagpapatalbugan ng costume ang mga kabataan para makapag-trick or treat nitong Halloween ay ibang klaseng paandar naman ang naisip ng mga magulang at kaibigan ng isang bata na dinamitan bilang bill ng Meralco.
Ang simpleng costume ay gawa lamang sa simpleng karton na dinisenyuhan na parang billing statement at agad itong umagaw-eksena sa isang Halloween event.
Para makumpleto ang costume, nilagyan din ng kaunting nakakatakot na make-up ang mukha ng bata at binigyan ito ng laruang palakol na tila panakot sa kaninumang lalapit.
Game naman na minodel ng bagets ang kanyang costume kaya’t lalo itong kinagiliwan ng mga netizen.
“ang kinakatakutan ng lahat”
“Scary costume doesn’t exi…”
“Kakatakot talaga yan lalo na 100k electric bill tapos 2 ilaw gamit mo tas lagi pa punde”
“Benta to”
“Best costume”
“ang taba ng utak ng naka isip nito hahaha”