Kahit heartbroken ang isang bagets, nagawa pa din niyang makuha ang loob ng mga netizens dahil sa napaka real talk na paraan niya ng paglalahad kung paano siya naloko ng kanyang crush.
Sa isang video na ibinahagi ng journalist na si Joseph Morong, isang batang lalaki ang nagkukwento tungkol sa nangyari sa kanya ng kanyang crush. Aniya, matapos niyang gumawa ng kung ano ano para sa kanyang gustong babae, at hatian pa niya ito sa kanyang siomai, naghanap pa ito ng iba.
“Alam no ano ginawa? Naghanap ng ibang crush. Ang kapal ng mukha,” prankang sabi ng bagets.
Hahaha nga naman haha pic.twitter.com/hst6tYhtcI
— Joseph Morong 🇵🇭 (@Joseph_Morong) October 1, 2024
Hindi naman napigilan ng mga netizens na matawa sa inosenteng reaksyon ng bata sa kanyang unang heartbreak.