Deserve din ng mga artista kagaya ng Kapuso couple Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na makapagrelax at mag me time.
Kaya kung feel ni Jennylyn at Dennis na makalanghap ng sariwang hangin kasama ng mga anak na sina Jazz, Calix at Dylan, ang kanilang puntahan ay ang kanilang rest house sa bulubunduking parte ng Tanay, Rizal.
Ang kanilang rest house ay tinawag nilang “mountain hideaway” at gawa ito sa shipping containers, ulat ng GMA News.
Ang kagandahan sa bahay na ito ay hindi lamang makakamura ng kuryente ang mag-asawang artista kundi may positibong epekto sa kapaligiran dahil gumagamit sila ng mga solar panel.
Ang buong lugar ay may modern at industrial feel. Mayroon din itong greenhouse na gawa ng tatay ni Dennis ayon sa ulat ng GMA News.
Sagana ang greenhouse sa mga pananim na lettuce, kale, at arugula at marami pang ibang crops na sila Jennylyn at Dennis mismo ang nagpapalaki sa kanilang hydroponic garden.