Good vibes ang dala ni baby Victoria Merielle sa mga netizens matapos ang kanyang cute na pagrereklamo sa haba ng pangalan na binigay sa kanya ng mga magulang.
Sa TikTok post ni netizen Mariel Mondoñedo ng Pasig City, makikita ang kanyang asawang si Victor at anak na si Victoria Merielle na abala sa pagsusulat ng pangalan ng huli.
Maya-maya pa ay bigla na lang umiyak ang bata sabay bitaw sa lapis na gamit sa pagsusulat. Yun pala ay nagrereklamo na ito dahil sa haba ng pangalan kanyang kailangang isulat ng paulit-ulit.
“Naiyak na siya kasi tired na daw kamay niya kakasulat sa mahaba niyang pangalan,” kwento ni Mariel.
Madidinig din si Victoria Merielle na talaga namang hindi matanggap na dalawa pa ang pangalang bigay sa kanya. “It’s so long. Ang dami dami… Dapat isa lang para hindi mahaba,” sabi ng bata.
@mommyyielandboomy Sorry na victoria🤣🤣 #victoriamerielle #mommyyiel #daddyvjay
Kanya-kanyang share naman ang mga netizens ng mga mahahabang pangalan din ng kanilang mga anak.
“huhu.. lahat ng anak ko 3 words name iba pa apelyedo.”
“Anak qnman Frances Nazareth Lovelle yak Dn cia malala ngayun grade 9 na,”
“yubg anak ko na name BRIAN CHRISTIAN JESUS”
“My baby’s name is PRISCILLA HANANIAH..mukhang isusumpa din ako balang araw…”
“Miracle Samantha Budionganon name ng anak ko adik sa wattpad kaya ayan”