Ang cute kasi ng barker! Litrato ng muning na namamasada nagpatibay sa tawag na #NoToJeepneyPhaseout

Isang cute na pusang kasama ng driver na amo ang nagpatibay sa #NoToJeepneyPhaseout.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung mayroon mang isang magandang dahilan para tutulan ang phaseout ng mga jeepney sa kalsada, maaring si Muning na ang pinakamabisang paraan.

Isang post ng netizen na si Jan Kenneth Sacro sa groupong Cat Lovers Philippines, na may caption na “tulog na yung manunukli,” ipinakita niya ang larawan ng alagang pusa ng isang driver na kasa-kasama niya sa pamamasada.

Nilagyan din ni Jan Kenneth ng hashtag na #NoToJeepneyPhaseout ang kanyang post na inayunan naman ng mga netizen dahil baka mawalan ng trabaho si Muning at ang kanyang bossing.

“baka mawalan trabaho si ming”

“Ang cute hahahahaha”

“Ang cute ng barker… wait… what???”

“walang bababa sa jeep”

Ilan pang netizen ang nagbahagi ng kanilang mga kuha sa parehong pusa na kinagigiliwan ng maraming pasahero.

Photo credit: EJ Ramones

Wag ka mag alala Muning, we got your back! No to jeepney phaseout!