Ang cool! Angelica Panganiban at Greg Homan, nakatanggap ng Homan edition Monopoly set

Kakaibang Monopoly set ang natanggap ng mag-asawang Angelica Panganiban at Greg Homan.

Para sa newlyweds na si Angelica Panganiban at Greg Homan, sapat nang regalo ang pagdalo ng kanilang matatalik na kaibigan at minamahal na kamag-anak sa kanilang wedding nitong nakaraan ngunit siyempre, may ibang regalo talaga na hindi pwedeng hindi i-share.

Sa kanyang Instagram, pinasalamatan ni Angge sina Conar Homan at Eddy Ramos na nakaisip mag pa- customize ng isang Monopoly set na Homan edition para sa kanilang mag-asawa.

Tulad ng origihinal na Monopoly set, mayroon din itong mga properties na kailangan kolektahin ngunit mapapansing ito ay mga lugar na espesyal or may kinalaman kina Angge at Greg. Ang community chest at Chance cards naman ay naglalaman ng mga challenges na click para sa mag-asawang Homan at sa kanilang pamilya.

Marami namang netizen ang nainggit at nais na ding mag pa-customize ng sarili nilang Monopoly set.

“Ang galing nito😍”

“made it from scratch? How??? 😮”

“wow!!!! that is soooo coool 😭💗”