‘Ang chaka-chaka niyo’: Rant ng isang TikToker tungkol sa nepo babies kuhang-kuha ang sentimyento ng milyong-milyong Pinoy netizens

Isang rant tungkol sa “nepo babies” at ang kanilang mga korap na magulang na dinaan sa isang TikTok post ng isang content creator ang umani ng milyong-milyong views mula sa kapwa Pinoy.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Huling-huli ng rant ng isang TikToker ang inis at sentimyento ng mga Pinoy netizens sa mga nepo babies na fineflex ang kanilang mga lavish at excessive lifestyles sa kani-kanilang mga social media.

Sa video ni TikToker @walalangto313, hindi siya nakapagpigil mag-rant tungkol sa mga “sugapang” nepo babies o mga anak ng mga korapt na pulitiko at contractors ng DPWH.

“Kung ako yung may ganong klaseng pera, yung nagnanakaw naman na ako diba, susulitin ko na. Magpapaganda na ako, rhinoplasty, aayusin ko na style ng damit ko. Hindi ako naka-high waist sa 2025,” ani uploader.

“Diba, sana kahit magnanakaw pamilya niyo, maganda naman kayo. Hindi yung ang chachaka niyo,” dagdag pa niya.

@walalangto313

♬ Funny Song – Funny Song Studio & Thomas Hewitt Jones & Sounds Reel

Todo-relate ang mga netizens sa kanyang rant kaya umabot sa isang milyong hearts at 15 milyon na views ang kanyang video:

“grabe te sayo lang ako natawa sa lahat ng mga nagcocontent about sa mga NEPO BABIES HAHAHAHAHA”

“same reaction, mhie. HAHAHAHAHAHAHAHAHA akala ko pretty chicka sila e since “nepo babies” nga sila. kaso expect the unexpected nga talaga 😂”

“Ang soft ng mukha mo te, nagulat ako sa mura 🤣”

“Bat ang sarap sa pakiramdam nung mura nya? pwede pag mumurahin mo din ako kit diko nepo baby”

“literal na nasa atin ang face card nasa kanila credit card”