Para sa mga ikinakasal, mahirap makahanap ng oras para makagawa ng mga kakaibang bagay sa araw ng kasal dahil sa dami ng mga naka schedule sa programa.
Pero para sa isang wedding guest, bilib na bilib siya sa ginawa ng kanyang mga kaibigan dahil ibinahagi nila ang love language nila hindi lamang sa isa’t isa kundi sa bawat taong dumalo sa kanilang special day.
Sa isang post ng vlogger na si msfey, puring-puri niya ang kasal ng dalawa niyang kaibigan dahil sa pagiging taimtim ng kanilang vows. Hiniling kasi ng mag-asawa na maging unplugged ang kanilang kasal, dahil ang kanilang love language ay pagbibigay ng time para sa espesyal na okasyon.
Dahil bawal magbukas ng phone, naramdaman ng kanilang mga kaibigan at kaanak ang pagiging espesyal ng ceremony.
Sa reception naman, personal na sinerve ng bagong kasal ang mga pagkain sa kanilang mga bisita. Isa isa nila itong pinuntahan sa mga lamesa at pinasalamatan sa pagpunta dahil love language nila ang acts of service.
Kesehodang nakasuot pa sila ng gown at suit, naitawid ng mag-asawa ang kanilang hangarin ipakita sa kanilang mga bisita ang kanilang pagmamahal sa mga ito.
Hindi lamang iyon. Personalized din ang bawat souvenir dahil bawat bisita ay nakatanggap ng sketches ng kanilang mga mukha at sa likod ay may personal na mensahe din ang bagong kasal.