Ang bagong J-Dine? Angel Locsin, supportive stepmom kay Joaquin at Nadine Lustre

Biglang napa-post si Angel Locsin patungkol sa happy crush ng kanyang step son na si Joaquin Arce kay Nadine Lustre.

Supportive stepmom ang atake ng premyadong aktres na si Angel Locsin sa kanyang stepson na si Joaquin Arce na ngayon ay nananatili sa Bahay ni Kuya.

Alam kasi ni Angel na celebrity crush ng kanyang anak ang aktres na si Nadine Lustre kaya nang naimbitahan ito sa Pinoy Big Brother House ay excited na excited siya para kay Joaquin.

Sa linggong ito kasi ay inimbitahan ni Kuya ang mga celebrity crushes ng mga nananatiling housemates sa kanyang bahay kaya’t ang mga viewers ay kilig na kilig sa mga reaksyon ng mga bagets na nakakaharap ang mga celebrities na kanilang hinahangaan.

Natuwa din ang mga fans ni Angel na kahit matagal na itong low-key sa social media ay nag-effort pa ito para sumuporta sa kanyang stepson.