Ang angas!!! Coldplay pasabog ang cover ng ‘Raining in Manila’ sa Philippine Arena

Sinorpresa ng Coldplay ang kanilang mga fans sa isang cover ng “Raining in Manila” ng Lola Amour.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagulat ang lahat sa Philippine Arena nang sorpresang nag perform ng OPM hit na “Raning in Manila” ang Coldplay sa unang gabi ng kanilang concert sa Bulacan.

Sa harap ng 15,000 manunuod, inawit ni Chris Martin ang trending the awiting nagsilbing anthem na ng mga Pinoy sa malamig na panahon.

Sa post mismo ng Lola Amour, sila misno ay hindi makapaniwala na na cover ng Coldplay ang kanilang kanta.

Tilian naman ang mga fans nang ma realize nila na kakanta ng Filipino song ang kanilang idolo kaya’t dumagundong ang palakpakan at sigawan sa opening bars pa lang ng kanta.

Ilang reaksiyon ng mga fans:

“Moments like this is the reason why i love music so much.”

“Grabe sulit talaga yung standing”

“Galing dimasyadong halata yung accent hehehe cute”

“Ang angas!”

May pangalawang gabi pa para sa concert ng Coldplay sa Pilipinas dahil sa lakas ng demand ng mga fans. Bukod sa kanilang mga sikat na awiting tulad ng “Yellow”, “Sky Full of Stars”, “Fix You”, “The Scientist” at iba pa, pinatunayan lamang nilang lalo na sulit talagang maging fan ng bandang ito.