Tuwang-tuwa ang mga netizens sa “bardagulan” ng mag-inang Janine de Belen at Kaila Estrada matapos ang umaatikabong tapatan ng anak ni Janice at ni Kim Chiu sa seryeng Linlang.
Sa eksena, nagsalpukan ang maghipag na sila Juliana (Kim Chiu) at Sylvia (Kaila Estrada) nang sugurin ng huli ang una dahil sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang asawang si Alex (JM de Guzman).
Matapos purihin ng mga fans ang nakakadalang pagganap ni Kaila, hindi rin nagpahuli ang kanyang ina – ang batikang aktres na si Janice de Belen sa pagbati sa kanyang anak.
Iyon nga lang, ang ginamit na larawan ni Janice ay ilang kuha kung saan sirang-sira ang poise ni Kaila na nanlilisik ang mata habang nakikipag-away kay Kim.
“Ma, sanang ibang picture na lang,” aniya sa sarili niyang Facebook story.
“Okay lang yan Kaila! Ganyang expression ang nagpapatunay ng magaling na acting!,” komento ng isang netizen.
“Oh my God, ang anak ni Janice!” bati naman ng isa.
“Sana binabaan pa yung bangs!”
“Kamukhang kamukha ni Rigor (John Estrada) pag dilat yung mata!”
Si Kaila ay anak ng batikang aktres na si Janice de Belen at ni John Estrada na kasalukuyang gumaganap bilang Rigor sa Batang Quiapo.