Pang best actress ang naging drama ng Kapamilya star na si Maris Racal matapos aksidenteng magkamali ng gupit ng kanyang bangs.
Ibinahagi ni Maris ang kanyang nakakatawang karanasan sa X (dating Twitter) na mas napasaya pa ang mga netizens dahil sa kanyang exagg na reaksiyon sa kanyang blooper.
Marami namang mga faney ang naka relate kay Maris at nakisimpatya sa sinapit nito. Mahirap pa namang magpahaba ng bangs at kitang-kita talaga ito ng mga tao.
“Basta mag-ingat na lang kayo sa paggupit ng microbangs/topper/wig,” paalala niya sa kanyang mga followers.
basta mag ingat nalang kayo sa pag gupit ng micro bangs topper/wig 😭
— Maris Racal (@MissMarisRacal) September 23, 2023