And the award goes to …. Christmas party, naging spaghetti party sa isang paraalan sa Gen San

Naging spaghetti party ang eksena sa isang paaralan sa Gen San.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Pag potluck ang napagkasunduan sa Christmas party, dapat talaga ay nag-uusap kung sino ang magdadala ng kung anong pagkain. Ngunit bunsod ng mga hindi inaasahang pangyayari, nagmistulang hurado ang gurong si Emmanuel Arangale sa isang contest ng pinakabonggang spaghetti.

Paano ba naman, hindi lang isa, dalawa o tatlong estudyante ang nagdala ng spaghetti kundi anim na bandehadong spaghetti ang pagpipilian ng mga dumalo sa party.

Mayroon din namang mga ibang ulam na nakahain ngunit nakakaaliw lang ang reveal ng kada isang “contestant” maging ang mga komento ng mga netizen.

“1st: 9/10, Hindi tinipid sa cheese pero tinipid sa lalagyanan 2nd: 7/10, Hindi tinipid sa lagayan pero tinipid sa cheese”

“mapupurga ka na lang sa Spaghetti HAHAHA”

“at ang nagwagi. makakatanggap ng isang tray na spaghetti”

“d lang yata sa acads my competition. o kaya lakas ng bonding nla kaya nagkasundo sila na spag nlang dalhin.”

Samantala, marami ding nagtanong kay Sir Emman kung bakit nagkapare-parehas ang dala ng mga bata at kung hindi daw ba ito napag-usapan.

Sinagot naman ng guro na nag usap-usap naman daw ang mga estudyante kaso ang mga nag-pledge ng pizza ay napilitang magpalit last minute dahil na sold out daw ito sa araw ng party. Kahit ganito naman ang nagyari ay mukhang happy naman ang lahat kung ano ang nadala ng bawat isa.

“Buti nga yan spag pa nung HS kami sabi samin magdala lang pagkain lahat kami kanin pala nadala, pwera dun sa isa, tapos loaf bread pa,” kwento naman ng isang netizen.

“kaya ako mag aasign e hahah syempre yung affordable at if gusto palitan ng nanay nya okz lng nman importante masaya mga kidzzz,” sabi naman ng isa pa.

@sirsuperemman May the best SPAGHETTI win! Nalunod kami sa Spaghetti sa Christmas Party namin😂😅 #spaghetti #GSCNHS ♬ original sound – Emmanuel B. Arangale