Anak, sinorpresa ang ama nang ibalik ang kotseng naibenta para makabili ng diaper noong 1983

Marami ang naluha sa kwento ng isang digital creator na sinorpresa ang ama sa pamamagitan ng pag-regalo dito ng kanyang kotseng dati niyang ibinenta para makabili ng diaper ng anak.

Nakakabilib ang naging istorya ng reunion ng isang ama at ang kanyang pinakamamahal na kotse na kinailangan niyang ibenta para makabili ng diaper ng kanyang anak noong 1983.

Ibinahagi ng digital creator na si Jared Guynes na bata pa lang siya ay alam na niya kung gaano kamahal ng kanyang ama ang kanyang 1967 Marina Blue Camaro, sa tuwing ikukuwento niya ang tungkol dito. Yun nga lang dahil kapos sa pera ay kinailangan niya itong bitawan para makabili ng pangangailangan ng kanyang pamilya.

Dahil dito, naisipan ni Jared na hanapin ang sasakyan at maswerte naman at natagpuan niya ito noong 2022. Ani Jared itinago niya ang kotse ng ilang taon para personal itong i-restore. Walang nakaalam sa kanyang secret project hanggang sa natapos na niya itong gawin at ibigay sa ama.

“I’ve only seen my dad cry two times in my entire life. Dad only smiles, laughs and selflessly gives his best effort in the service of others. Tonight I saw him cry a third time, as he realized the car in parking lot that looked just like his old one, was actually his after all. He was shocked. He threw his arms around me,” aniya.

“And it was one of the best moments of my entire life. I love you Dad. Thanks for the diaper money,” pagtatapos ng kanyang kwentong umantig sa damdamin ng maraming mambabasa.

“Congrats for being a great son.”

“That’s awesome! Made me cry!”