Anak ni Juday at Ryan na si Luna, nakipag-bonding kay Gordon Ramsay sa cute na paraan!

Agaw-atensyon sa social media ang cute moment ni Luna Agoncillo at Chef Gordon Ramsay.

Sa lahat na mga nakasalamuha ng British celebrity chef na si Gordon Ramsay, mukhang ang pinaka-winner ay sai Luna, ang busong anak ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Paano ba naman, hiningi ni Chef Gordon ang signature nito para sa mga cute at detalyadong mga drawing na bigay sa kanya.

“Will you sign your name for me,” sambit ni Chef Gordon kay Luna na nagbigay ng apat na bond paper na puno ng drawing tampok ang famous moments at quotes ng Michelin-starred chef mula sa kanyang mga reality cooking shows.

Makikita sa video na ibinahagi ng celebrity mom na si Juday na katabi ni Luna si Chef Gordon at nag papa-autograph sa kanyang anak.

“Aw, thank you Luna, I love that,” ang sinabi agad ni Chef Gordon matapos matanggap ang munting regalo ni Luna.

https://www.tiktok.com/@officialjudayph/photo/7461928028575255826

Isa sa mga drawing ni Luna ay ang seryosong mukhang ni Chef Gordon sa isang show at ang pagsambit nito ng “Wake up, you donut!”

Samantala, maraming netizens ang pumuri agad sa detalyodaong gawa ni Luna, kahit bata pa ito, at ang postura nito habang katabi ang sikat na chef.

“The way she holds the paper so professional at yung pagtayo niya habang nag sign, ang cute!”

“”Bravo, galing ni Luna” ang dagdag ng isang netizen.

“Pretty Luna with Chef Gordon,” ang sabi ng isa.

“That’s amazing,” ang sabi ng ilan sa cute moment nila.

@officialjudayph “Aw, thank you Luna, I love that.” – Gordon Ramsay So proud of our baby, Luna! ❤️ She personally gave her drawings and here’s their cute interaction ✨ #JudyAnnSantos #LunaAgoncillo #GordonRamsayInManila #fyp #newportworldresorts #gordonramsay #chef #cooking #celebritychef #dream #dreamcometrue #finally #drawing #portraits #lunabunny #luna ♬ original sound – officialjudayph