Anak ka ng kuan! Bunso ni Melai na si Stella, kuhang-kuha ang pagka-komedyana ng ina

Entertainment level to the max ang bunsong anak ni Melai Cantiveros at Jason Franciso nang magsayaw ito with feelings.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi maipagkakaila kung sino ang ina ni Stella Francisco dahil sa isang video na inupload ng kanyang inang si Melai Cantiveros ay kuhang-kuha ng bagets ang tawa ng mga fans.

Sa video, ipinakita ang mga anak na si Mela at Stella na humahataw sa mga kanta ng ILLIT at BINI pero ang umagaw-pansin ay ang mga facial expressions ni Stella, na hindi kinaya maging ng Queen of Kuan na si Melai.

Aliw ang mga fans sa mga galawan ng bunso ni Melai na mukhang nakuha na din ang pagkakomedyante ng ina.

“aliw ka tlga Stela ang kulit 😂❤️”

“si Stella gyud ba pagka liwata gyud uy HAHAHAHA”

“Hooooooyy Stelllaaaaaa hahahhahahhahahahha😍”

“naks naman si steyaaa dancing with feelingz”